Sharon Cuneta, sumabog na!

MATAGAL na naming naririnig na porke totoong anak nina late ex Pasay City Mayor Pablo Cuneta at Mommy Elaine Cuneta si Sharon Cuneta at kapatid na si Chet Cuneta, kinaiingitan sila ng mga kapatid sa labas (except for Sir Danilo at isa pa na hindi namin maalala ang name).

Kasi ang feeling ng mga ito, lahat ng mana ng namayapang ama ay iniwang lahat ni mayor sa nanay-nanayan namin sa showbiz na si Sharon.

Napaka-unfair naman ang paratang na ito kay mega. Lahat na nga ng pag-iintindi at kaluwagan ay ibinigay nila ng buong puso ng elder brother na si Chet, tapos ito pa ang igaganti sa kanila?

Saka walang katotohanan na ‘yung lahat ng kayamanan ni Ambo ay napunta kay Shawie. Nagbigay na ng statement ang megastar ukol rito kaya mali ang mga paratang sa kanya.

Another thing, bakit kailangang pagdudahan nila si Sharon? 17 years old pa lang ang sikat na TV host singer-actress ay nag-artista na ito. So, kung anong meron siya, lahat ‘yun ay galing sa kanyang pinaghirapan.

Saka megastar siya at sa status niyang ito ay binabayaran siya ng milyones sa bawat project kaya mayaman na siya kahit walang manang makuha sa namayapang daddy. Siya na nga halos ang umaako sa mga naiwang responsabilidad ng kanyang ama, siya pa ang pinalalabas na masama? Heto pala ang ilang bahagi ng tweets ni ‘Nay Sharon.

“Parang may dad didn’t leave me anything but the responsibility to take his place…And you can never imagine what that’s been like. I want to disappear.

Am so tired. I would fly anywhere tonight if I could. Yes, even alone, even just for a while… But I cannot…my children are my life. I miss you daddy…though I am so, so angry at you.”

May binanggit rin si Shawie sa kanyang tweets na ito tungkol sa lumalabas ang totoong ugali ng tao ‘pag pera na ang topic. Kaya nakatatawa raw ‘pag may nagkakamaling akusahan siya na mukhang pera. Oo nga gyud! unfair nga naman.

***
The Buzz  tuluyan nang winalis sa ere ang katapat na Showbiz Central

Every sunday ay kinakabog talaga sa rating ng going to 14 years ng The Buzz ang katapat nilang Showbiz Cen- tral. Papano, aba’y masisipag ang mga writers at reseachers ng nasabing show.

Talagang ipinatututok sa mga ito ang mga latest issues and controversies pati na ang pagkuha ng exlusive stories and interviews. At siyempre, malaking factor rin na mahuhusay ang mga hosts ng The Buzz na pinangungunahan siyempre ng Asia’s King of Talk na si Kuya Boy Abunda plus Toni Gonzaga and Charlene Gonzales.

Ang gagaling nilang umatake ng mga showbiz issue at feel na feel rin ng paraming-paraming televiewers ang bawat segment ng tatlo. Siyempre pa, ang kani- lang pagiging fashionista.

Ang edge pa ng The Buzz sa mga kapwa nila showbiz talk show, pinag-uusapan talaga sa mga tabloid, broadsheet at mga social networking site ang mga pinasasabog nilang controversial issues.

Sila na ang certified bible ng showbiz. Kaya ang ending winalis na sa ere ng nasabing No. 1 Sunday Showbiz Talk Show ang kalaban nilang Show biz Central.

We are not psychic pero ramdam namin na aabot pa sa ilang dekada ang The Buzz na napanonood tuwing Linggo at 4:00 PM to 6:30 PM pagkatapos ng LUV U sa Kapamilya Network.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply