Shuttle bus nawalan ng kontrol: 30 sugatan

TINATAYANG 30 katao ang nasugatan makaraang mawalan ng kontrol ang isang shuttle bus sa South Luzon Expressway kagabi (Hulyo 3).

Ayon sa report ng dzBB, ang mga nasugatan ay pawang mga empleyado ng isang kompanya at agad isinugod sa ospital upang malapatan ng lunas.

Nabatid na binabagtas ng naturang bus ang parte ng north bound part sa SLEX nang mawalan ito ng kontrol at mabunggo.

Inaalam pa ng pulisya kung mabilis ang pagpapatakbo ng bus kung kaya ito nawalan ng kontrol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply