SI PAPA ROGER (Unang Labas)

NANGYARI na isinulat ko ang salaysay na ito para makapagbigay aral sa ‘di mabilang na mambabasa ng REMATE ONLINE.

Natagpuan ko kasi ang lalaking dapat pangarapin ng isang katulad kong mapaghanap sa tawag ng laman. Siya ay si Papa Roger, isang dakila at mahusay na lalaki.

Bago ang lahat ay bansagan ‘nyo na lang ako sa pangalang Ali. Tubong Ilocos at edukada rin naman.

Nakapisan kami sa bahay ng pamilya ni Ergo, ang aking asawa.

Tatlo lang kami sa bahay na ito at kasama namin si Papa Roger ang aking biyenan. Wala akong masisi sa mga nangyari.

Pero minsan naiisip ko, dapat ko bang ibunton ang nangyayari sa akin sa aking kaibigang si Daisy na nang-urot sa akin para akitin ang aking biyenang lalaki? O si Ergo na nangarap ng mabilis na pag-unlad sa aming buhay at nangibang bansa dahilan para mangulila ako sa tawag ng laman?

O si Papa Roger na bumigay sa aking pang-aakit?

O ako na naghanap ng aliw sa sariling pamamahay?

Ah siguro naghahanap lang ako ng damay dahil hindi ko na makayanan ang surot ng budhi.

Nais kong balikan ang alaala para sa inyo at ilahad ng malinaw dahil sa ganda ng unang mga pangyayari ay tandang tanda ko pa.

“Ergo anak bigyan mo sana ako agad ng apo ha sisenta na ako tandaan mo,” ungot ni Papa Ergo.

“Makakaasa ka papa, sa ganda at sexy ba naman ng manugang mo buntis agad ito he he he.” “Pakunswelo ng anak.

“Good. O sige daan muna ako sa kapilya dito muna kayo,” ani Papa Roger.

Aktibo kasi si Papa Roger sa social at religious activity dahil natatandaan na ito sa sarili.

Minsan nga ay nai-involve ito sa mga kawanggawa. Ngunit para sa akin ay hindi ito ganoong katandaan.

Sa itsura nga nito ay parang forty five lang at idagdag pa ang resistensiya na kaya niyang mag-jogging ng higit sa limang kilometro.

Maganda ang sunuran namin sa bahay. Nagpapasalamat nga rin ako sa pagiging responsable ni Ergo sa akin.

Kayang ibigay ni Ergo ang hilig ko maging sa sex.

Kapwa kami nagtatrabaho ni Ergo at hindi nakakabigat sa amin ang ama niya dahil ito ay may pension. Ngunit sa siste ay may lihim palang balakin ang aking asawa at minsan…

“May malaking oportunidad sa ibang bansa Ali at tinanggap ko ang offer ng isang ahensya?” sawalat ni Ergo.

“ H-ha pero hon wala pa tayong anak. Hindi ka papayagan ng Papa.” Awat ko kay Ergo.

Nakarating ang balita kay Papa Roger at ayaw man ay napapayag na rin dahil ayon sa anak ay dalawang taon lang naman at pwedeng magbakasyon matapos ang isang taon sa loob ng isang buwan.

Kaya naman kami lang ng aking biyenan ang nakapanahan sa bahay at sa simula ay maayos naman ang lahat.

Nalilimutan ko ang lumbay ng wala ang aking asawa dahil sa gusto ko rin naman ang aking trabaho dangan nga lang at may mga kaopisinang mahilig manukso lalo na ang mga lalaki.

Inaamin ko, oo hindi na ako virgin nang makuha ni Ergo at nang kalagitnaan ng highschool ay marami akong naging boyfriend na karamihan ang nakaangkin ng pwesto sa aking kandungan.

Ah, natatandaan ko pa si Daisy ang bestfriend kong kasama ko sa gimmick na nauuwi sa sexual pleasure. Naisip ko nga noon at nasabi sa sarili, “ Haaay nasaan na kaya si Daisy ang malanding iyon?” Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply