‘Silahis’ tumanggi sa sex, sinaksak ng bebot

SAKSAK ang inabot ng umano’y isang silahis makaraang tanggihan nitong makipag-sex sa isang babaeng kagawad sa Pasay City, kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Amadeo Jardin, 36 anyos, walang asawa at naninirahan sa Gotamco Street, ng naturang lungsod.

Si Jardin ay isinugod sa Pasay City General Hospital sanhi ng isang malalim na saksak sa kaliwang braso.

Agad namang inaresto ni SPO2 Ronaldo Frades ng Station Investigation Detective Management Section ng Pasay City Police ang suspek na si Erlinda Ramirez, dalaga, kagawad ng Brgy.17 Zone-1, Pasay City.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Frades, alas:3:40 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Gotamco St. sa nasbaing barangay nang magtgpo ang suspek at biktima.

Ayon sa pahayag ni Jardin, inalok siyang makipagtalik ng kagawad ngunit tinanggihan niya at ipinagtabuyan pa.

Dahil dito, nairita umano sa kanya (biktima) ang suspek at bigla siyang sinaksak.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang mga sinabi ng biktima.

Ayon sa suspek, nagpunta lamang siya sa bahay ng biktima para makipagbati rito pero pinagtabuyan siya nito kaya niya nasaksak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply