Silipin natin ang dalawang mukha ni Atty. H.C. ng PPCRV

DALAWA ang mukha ng  abogadong  si  Atty. H.C.  na kung tawagin ay “Janus-Faced” dahil sa ugaling doble-kara at may sariling interes.

Matatawag nga ba natin na doble-kara itong si Atty. H.C. na isa sa mga abogado ng PPCRV, isang samahan ng civil society at isa sa mga pangunahing  abogago, este abogado, ng isa sa mga pangunahing suspek sa Maguindanao massacre na naganap noong Nobyembre 23, 2009 kung saan 57 katao ang pinaslang nang walang kalaban-laban?

Alam natin na ang samahan na kinaaniban ni Atty. H.C ay isa sa mga civil society na masugid na nagsusulong ng malinis, mapayapa at kapani-paniwalang halalan at bilang abogado at tagapagsalita.

Hindi ba dapat itong si Atty. H. C. ay disipulo ng naturang prinsipyo at alituntunin?

Pero bakit nasikmura ni Attorney de Ampatuan na lunukin na maging abogado ng mga pangunahing suspek sa Maguindanao massacre!

Patungo noon sa opisina ng local Commission on Election ang mga biktima kabilang na ang asawa ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu nang sila’y harangin ng mga armadong tauhan ng mga Ampatuan at walang awa na pinagpapatay. In short ang mass murder na nangyari sa Maguindanao ay may kinalaman sa eleksyon  at ito’y taliwas sa mga adhikain ng grupo ng PPCRV.

Alam nating si Atty. H.C. ay matalinong abogado  at naniniwala tayo na alam niya ang implikasyon ng kanyang sitwasyon!

Ang Maguindanao massacre ay isang nakaririmarim na kasaysayan ng pulitika sa Pilipinas.

Napakahirap basahin ang pana-naw ni Atty. H.C. kung ano talaga ang dahilan ng pag-depensa nito sa isa sa mga Ampatuan.

Ang dami namang mga abogado na hindi konektado sa PPCRV at hindi doble-kara  pero bakit si Atty. H.C. pa ang kinuha? Bakit kaya?

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email: juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply