Simbahan nagluluksa sa pagpanaw ni Dolphy

MAGING ang mga Obispo ng Simbahang Katolika ay nakikiisa sa pagluluksa ng sambayanang Filipino sa pagpanaw ni Comedy King Rodolfo “Dolphy” Quizon Martes ng gabi.

“We pray for the repose of his soul. His death reminds us that there is an end to our life. It is important that we discover and develop the talents the Lord had given us for the service of others and thank Him,” ayon naman kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco.

Sinabi naman ni Jaro, Iloilo Archbishop Angel Lagdameo, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), si Dolphy ay nagsilbing isang institusyon sa Philippine showbiz at inspirasyon sa maraming Filipino.

Pinasalamatan din nito ang Comedy King dahil sa pagsisilbi nito sa bansa sa pamamagitan ng kaniyang mga pelikula na nagpatawa at nagpaiyak sa mga Pinoy.

“We thank God for the gift of Dolphy who served the country with his more than 2009 films, making all kinds of viewers cry and laugh through their shared experiences in life. He was a classic entertainer. May he rest in peace,” pahayag pa ni Lagdameo.

Kasabay nito, tiniyak ng arsobispo na ipinapanalangin din nila ang kapayapaan ng kaluluwa ni Dolphy.

Samantala, umaasa naman si Lipa Archbishop Ramon Arguelles na matagpuan na ni Dolphy ang tunay na kaligayahan sa piling ng Poong Maykapal.

Sa panig naman ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes, sinabi nito na, “I and many of my clergy are saddened by the death of the comedy king. We pray that the Lord will bring him soon to His kingdom and appoint Dolphy as His court jester to make heaven a merrier state.”

Si Dolphy, 83, ay naka-confine sa Makati Medical Center mula pa noong Hunyo 9 at pumanaw nitong Martes ng gabi dahil sa “multiple organ failure” at komplikasyon dahil sa severe pneumonia, chronic pulmonary disease at acute renal failure.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply