Simbahan nilooban, 10 gintong religious necklace, pera atbp natangay

NILOOBAN ng di nakilalang mga kawatan ang isang simbahan kung saan natangay ang 10 gintong religious necklace,cash at iba pang mga gamit sa  Lingayen, Pangasinan.

Partikular na pinasok ng mga suspek ang kuwarto ni Bishop Wilmer Dapadap at Stake Pres. Nicanor de Guzman.

Sa report, nadiskubre lamang ang panloloob ng mga kawatan sa simbahan nang madatnan  ng caretaker na si Ramsey Jimenez na magulo at nagkalat ang mga gamit sa simbahan.

Nang suriin ang mga mahahalagang kagamitan sa simbahan ay nalaman na 10 gintong religious necklace ang nawawala bukod pa sa  di pa batid na halaga ng cash.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na  dumaan sa sinirang kisame ang mga suspek .

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply