Simbahan ninakawan

SA bubong dumaan ang mga hindi pa nakikilalang suspek na nanloob sa isang simbahan na tumangay ng telebisyon at isang DVD Player sa Ermita, Manila, ayon sa ulat ng pulisya.

Dahil dito, naghain ng reklamo sa Manila Police District-Ermita Police Station 5, si  Bishop Ramir Lopez ng Church of Jesus Christ of Latter Day Saint.

Ayon sa ulat ni PO3 Ferdinand Leyva , may hawak ng kaso , madaling araw , kamakalawa ng dakong 1:00, sinasabing nilooban ang nasabing simbahan sa 1175 San Marcelino St., sakop ng Ermita.

Lumitaw sa report ni PO3 Leyva, na sa bakod umano nagdaan ang mga suspek  bago ito nakakita ng butas na yero patungo sa bubungan.

Namataan ng mga ito sa silid ang isang Panasonic TV at JVC na DVD player, saka muling dumaan sa bubong at nailabas ang mga ninakaw na gamit ng simbahan.

Patuloy ang pangangalap ng pulisya sa paghagilap ng testigo , para agad na malutas ang kaso at madakip ang mga respopnsable dito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply