Sin tax itataas para tustusan ang P 2Trilyong 2013 budget – Osmena

ITATAAS ng gobyerno ang sinisingil na buwis sa sigarilyo at alak o ang tinaguriang sin tax upang tustusan ang P2 trilyong badyet ng pamahalaan para sa 2013, ayon kay Sen. Sergio “Serge” Osmena III.

Sinabi ni Osmena na ihahabol ng administrasyon na maipasa ang Sin Tax bill upang tustusin ang P2 trilyong hinihinging badyet ng pamahalaan sa susunod na taon.

Ayon kay Osmena, sa excise tax lamang sa ‘sin products’ tulad ng alak at sigarilyo at mining tax ay kukubra na ang gobyerno ng tinatayang P35 bilyon hanggang P60 bilyon.

“The proposed increased in excise taxes for sin products and mining should result in 35 to 60 billion pesos in incremental revenues for government,”paliwanag ng senador.

Inamin din ng senador na tiyak na mangungutang muli ang gobyerno para mapondohan ang minimithing budget sa susunod na taon, subalit hindi umano magiging masakit sa bulsa ang pagbabayad ng interes dito.

“More borrowings are a given but very affordable because of lower interest rate due to credit rating upgrades. And more revenues are enjoyed simply by stricter collection of current taxes,” sabi ni Osmena.

Tiwala naman si Osmena na walang ipapataw na karagdagang buwis sa kinikita ng mga manggagawang Pinoy dahil habang masigla ang takbo ng ating ekonomiya, malaki rin ang nagiging koleksyon ng buwis.

Ang pinoproblema lamang ni Osmena ay kung paano gagastusin ng tama ng gobyerno ang malilikom na revenue para maibalik ito at mapakinabangan ito ng mga mamamayan.

“The question is what government spends it on and how much faster it can pump money into the economy to create more jobs and increase incomes of families,” paliwanag ng senador.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply