Sina Annabelle at Ruffa; pork barrel; at iskam sa aso

BIGYAN muli natin ang ating mga mambabasa ng pagkakataon na maihayag nila ang kanilang mga kaisipan, damdamin, hinaing, puna at iba pa.

Heto po sila.

Pork barrel at barko
Sobra sa P400 milyon ang ipinambili sa BRP Gregorio del Pilar sa U.S. Ang pork barrel ng isang senador ay P200M.  Sus, sa da-lawang senador, isang barkong panggiyera na. Sa 24 sila (at mga congressman), sobra ng 10 destroyer at jet fighter na iyon ka-da taon. PNoy natutulog. Mga mambabatas, ibili na lang ang pork barrel ninyo sa mga iyon. Sa may mga computer o typewriter, lalo na ang taga-media, paki-sabihan o sulatan sila. Wala kasi ako niyan. Sulat kamay lang.             +63917916….

Pondo sa telof-dotc
Good am, Kuya Benny Antiporda. Congratulations sa pagka-NPC President. Paki-follow up ang request sa pagpopondo ng Rationalization ng aming opis, TELOF under ni DOST Sec. Montejo at ICTO chief Casambre para aprubahan na ni DBM Sec. Abad. Matagal ng wala  kaming ginagawa sa opis namin. anim na taon na. Sana agad nilang aprubahan ang pondo nito. Thanks and more power. Concerned Employees ng TELOF-MMLA.
+63926290….
Lagay sa dvd
Good morning, Sir Benny. Nanghuli si Chairman Ronnie Ricketts sa Imus, Cavite. Pero hindi niya nahuli ang mga nasa Market. Totoo nga na may lagay sila kay Ronnie kasi bago dumating e wala na silang madatnang vendor. Kasi naitimbre agad sa mga vendor ng DVD. Bulung-bulungan dito, may lagay raw sila kay Ricketts.                                   +63948500…

Reklamo ng Pacman fan
Good pm, sir. Bakit ‘yung mga kapwa Filipino kung hamakin nila si Pacman ay ganun-ganun na lang. ‘Di ba nila naisip na si Pacman ang pambato ng Pilipinas sa larangan ng boksing? Kung ano-anong masasakit na salita ang mga ibinabato sa Pambansang Kamao natin.  Masakit isipin na kapwa natin Pinoy ang nagbibigay ng sama ng loob sa Pambansang Kamao. Kenjohn ng Aklan.
+63930828….
Mag-inang trouble maker
Sobra naman itong si  Annabelle Rama na trouble maker at ‘yan ay minana ng  kanyang anak na si Ruffa Gutierrez. Ang sabi ng iba na nanonood sa kanila ay mga s… ang mga ito. Ang mga  kalalakihan simula sa ama at mga lalaking anak ay mga mababait. Ito lang dalawang babae na Annabelle at Ruffa ang mga trouble maker, matigas at very high pride  ang mga ego. Sila lang ang “beasts” sa magandang pag-uugali ng  respetadong Gutierrez Fami-ly. Si Kuya Eddie at ang mga anak niyang lalaki, pati mga apo ay gumagalang at sumasaludo po ako. Denver Ro-mualdez ng Leyte.                                 +63920823….

Kompanya hindi nagpapasahod
Good pm po, Sir Benny.   Ano po ba ang dapat naming gawin? ‘Yung pinapasukan naming construction company ay 3 months na po kaming hindi pinapasahod, puro lang po pangako. Subcon po ‘yung amo namin. Tinanong namin ‘yung General Contractor, nagbayad naman sila pero kami po ay  hindi pinasasahod. Ito po ang number ng amo namin si Abelardo Tiodoro – 09193730283.  Ako po si Eugen. Lagi na lang po kaming pinaaasa. Nabaon na po kami sa utang dahil sa kanila. Sa Bagbaguin, Caloocan ang ginagawa namin. Jiltrock Cons. and General Contractor ang kompanya ng amo namin. Ito po’y overland subcon na hindi po nagpapasahod. Ano po ang gagawin namin para makuha na namin ang aming sahod?
+63946423….

3 araw na  day off
Sir Benny, good pm po. Itatanong ko lang po kung tama ang ginagawa  ng security agency namin na Safeguard Archangel. Tatlo na po ang aming day-off  pero wala pa sa minimum ang pasahod sa amin. Ang backpay ko po sa dating puwesto ko sa  HGC sa loob ng dalawang taon ay hindi pa rin naibibigay. Dito po ako naka-duty sa DSWD ngayon. Lahat ng hawak ng agency namin, sir, ay puro government offices tapos wala pa sa minimum. Pakikalampag naman, sir. Maraming salamat po. Don’t publish my number and more power po.         +63929757….

Hinanakit sa k+12
Sana ang nag-isip ng K +12 School year ay inisip muna ang kailangan at kakulangan tulad ng mga guro, silid-aralan, libro at upuan. At higit sa lahat, ang trabaho na may tamang pasweldo para sa mga nagpapaaral.
+63918355….

Iskam sa animal welfare
Good pm po. Gusto ko lang ipaabot sa Animal Welfare na dito po sa Brgy. Pamplona 3, Las Piñas City ay may mga barangay na nanghuhuli ng aso at pinatutubos ng P200 at  kapag ‘di ito natubos, ang kawawang aso ay mama-matay sa gutom. Bakit aso ang pinarurusahan nila na wala namang kasalanan? Dapat ang may-ari ng  aso ang parusahan. Salamat po.
+63915754….

Peace caravan hinarang
Habang namimigay ng relief ang Save Bondoc Pe-ninsula Movement sa Public Market, Catanauan, Quezon ay may isang pulis na pini-picturan ang caravan at ito’y sinisita ng mga delegado. Bandang 1 pm,  hinarang ang peace caravan ng isang pick-up mobile car ng pulis sa Catanauan.  Habang nasa biyahe ito patungong Lopez, Quezon, tinangkang damputin si Darwin Bonrostro,  Provincial Coordinator ng Karapatan, Quezon ng isang pulis.
Pagkatapos ay hiningan ng mga gamit ng pulis na nagpi-picture sa caravan. Nanawagan ang Peace Caravan para sa mga nawawalang gamit at matapos maibalik ang mga ito ay nagpatuloy ang caravan patungong Lopez.
+63908219….

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply