Sinarhang ilog, inaksyunan at sirang Quirino H’way

MISYON AKSYON, salamat po sa tulong na inyong ginawa sa aming idinulog na reklamo ukol sa aming barangay na  Balagtasan, Lubao, Pampanga na tuwing sasapit ang tag-ulan ay lubog at maging ang aming kabuhayan na palayan ay hindi na maasahan kasi lubog din ang aming sinasaka at taniman.

Higit sa lahat po, karamihan sa aming kabarangay ay may alipunga at lahat ng skin disease at sakit ang dumadapo sa mga residente. Laking tuwa namin nang magsagawa ng occular inspection ang engineering team ng aming munisipyo sa utos ni Vice Mayor Robertito Diaz at kasalukuyang officer-in-charge. Kasi naka-leave ang aming Mayor para  malaman ang reklamo namin na taga-Brgy. Balagtasan, Lubao.

Kaya umaasa po kami sa agarang aksyon at hindi po sana ito inspection lang ang kanilang gagawin para matapos po ang kalbaryong   problema namin.

Gumagalang
Mr. Eduardo Manuel.

Misyon Aksyon, di ko lubos maisip kung ang gobyerno ay nagtitipid o nagwawaldas ng pondo. Kasi po ang kahabaan ng Quirino highway magmula Malaria, Tungko, Maharlika, Palmera hanggang Road 1  ay kanilang inaayos bagama’t sa tingin namin ay maayos na maayos. Binabakbak nila ito  hindi ko lubos maisip ang kanilang teknik sa paggawa ng kalsada. Kasi po halos kagagawa pa lang ng nasabing kalsada ay binabakbak na muli.

Ganito kasi ang napapansin namin. Kapag nahukay na at nasementuhan nang makapal, ‘di ok na po ang nasabing  kalsada. Makaraan ang ilang linggo, ayon papatungan naman po ng aspalto na ang kapal ay dalawang pulgada. Ang kabilang lane ay maiiwan,  tapos dudugtongan na naman po nila ng aspalto. Kaya magkakaroon ngayon ng overlapat mas mataas iyong dugtungan. Ang resulta pataas-pababa at iyong kabilang lane naman siyempre ay tagilid. Kasi iyong kalahati ay ‘di nga po tapos kaya ang resulta mas mataas iyong kabila. Kaya  pag ‘di mo kabisado, parang roller coaster ang dating ng sasakyan mo.

Ang isa pang pinakamasaklap, Misyon Aksyon, kalalatag po lamang ng  kanilang aspalto, aba e, akala  mo crater ng buwan. Kasi butas butas. wala pa ngang isang araw butas butas kaagad.

Kagaya ng nasa Tungko may malaking butas kaya pag di mo napansin yari ka. Kapag dumating naman sa may Barangay Maharlika butas butas ang  aspalto pati na ang, mga sumunod na lugar. Di pa nga isang linggo uka-uka ang resulta .

E sayang po ang binayad ng  gobyerno sa TQ Construcion, ayos nga iyong kapal at  semento  pagdating naman sa  aspalto e palpak, kawawa naman po ang mga  taga San Joseno di nawawala ang  sakrpisyo sa trapik. Pero ang   nakakapanghinayang ay ang milyon pesong pondo na dapat sana ay nagamit, napunta lang sa wala.

Gumagalang
Mr. Palmera

Paging Lubao Pampanga OIC Mayor Roberto V. Diaz … sir laking kagalakan ng inyong ginawang aksyon agad-agad  nagsagawa kayo ng inspeksyon para makita ang kanilang reklamo sa ilog na  sinarhan ng mga fishpond owner…  kaya di na napapakinabangan ng mga taga Barangay Balagtasan ang kanilang mga bukirin, bagkos mga sakit ang  kanilang tinatamasa kaya ang kanilang panawagan ay makatotohanang aksyon… hindi pakitang tao lamang… kaya OIC  Mayor, saludo po ang Misyon Aksyon sa ginawa ninyong  aksyon at nawa di ito drawing at kay Congressman Arthur… kayo po ang may sponsor  sa nabaing kalsada sa kahabaan ng Quirino highway na inyong sakop.. di man lamang ito nagtatagal ay uka-uka na agad ang mga aspaltong inyong pinagawa na kung inyong  bibisitahain ay kayo na mismo ang makakita na  maraming  butas-butas ang ginagawa nila lalo na sa may Barangay Maharlika…  aba sir, mukhang  inuuubos na ninyo  ang pondo para makakuha ka ng pondo na gagastusin sa inyong nalalapit na politakal  na ambisyon… ang sa akin lamang,  sana  ay may malasakit kayo sa  pera ng  bayan. Kaya inyong bisitahin ang nasabing lugar. Kayo rin  baka paimbistigahan ito ni  Pinoy… ayaw ng baluktok na daan ni Pangulong pinoy.

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan.

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA. Cellphone Numbers: GLOBE-09165982736 SMART-09193628223 EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com, www.tiradabalita.com,arnel_petil@yahoo.com, arnelpetil@gmail.comathttp://misyonaksyon.blogspot.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahilan para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply