Singaporean, piloto arestado sa shabu

NAHULIHAN ng shabu ang isang Singaporean national at isang commercial pilot sa magkasunod na entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ninoy Aquino International Airport at Taguig City.

Sa isinumiteng ulat kay PDEA Director General, Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., unang naaaresto si Dani Ng ng dumating sa bansa galing Bangkok sakay ng Thai Airways flight TG-624 kung saan nakuha sa kanyang pag-iingat ang may walong kilo ng shabu.

Isinasailalim pa sa masusing interogasyon ng PDEA si Ng para malaman kung sino ang kakatagpuin nito sa Maynila para ideliber ang shabu.

Samantala, arestado din si Rioklyn P. Toledo, isang piloto ng local airline, at residente sa Unit 602 3D Chatue Condominium, Better Living, Parañaque, matapos naman siyang mahulihan ng shabu na may timbang na 9.1433 grams habang nasa aktong ibinebenta sa isang poseur buyer ng PDEA.

Napag-alaman na si Toledo ang umano’y supplier ng shabu sa iba pa niyang kasamahang piloto sa airline at ilang turista sa paliparan.

Maliban sa shabu, nahulihan din ng isang kalibre .45 baril si Toledo at Nissan Sentra Navarra.

Hawak na ng PDEA ang dalawang suspek habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, at illegal possession.

Sakaling mapatunayan, nahaharap sa habambuhay na pagkakakulong ang dalawa maliban sa multa na hindi bababa at hihigit sa P10 milyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply