Singaporean timbog sa shabu sa NAIA

TIMBOG ang isang Singaporean national makaraang makuhaan ng tinatayang walong kilong hinihinalang shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, kagabi.

Ayon kay Aviation Security Group Maj. Jonathan Galang, sakay ang suspek na si Danny Ng sa Thai Airways Flight TG-524 mula Bangkok, Thailand nang marekober sa kanya ang naturang iligal na droga.

Kasalukuyan namang inihahanda ang kasong isasampa sa suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply