Singer nagsangla ng gamit para magkaroon ng album

NAHAMBAL kami nang makita namin ang latest photo ng singer na sumikat noong dekada otsenta hanggang sa kaagahan nang dekada nobenta.

Payatola Komini siya ngayon, at tila kulang sa lafang dahil lubog talaga ang kanyang dalawang pisngi, hitsurang naukang dimple. Hahaha!

Nagtanong-tanong kami sa pinagdadaanan ng magaling na singer at ito ang nakuha naming sagot: Nagprodyus pala ito nang sarili nitong album pero ang ibang datung na ginamit nito para mabuo ang album ay galing sa pinagsanglaan daw ng kanyang mga gamit sa bahay. Umabot nang ilang buwan bago niya nakumpleto ang lahat ng kantang nakapaloob sa nasabing album. Nang okey na ang kanyang produkto, wala namang pera para sa promotion. Kaya parang kidlat lang itong kumislap sandali sa airwaves at nawala nang kusa.

‘Yung partner nitong singer din ang palong-palo ang sarili nitong album dahil ito ang may trabaho at kahit pa’no ay may name pa siya sa local tin-pan-alley. Sumikat din kasi siya noon bilang diva na may malaking boses.

Pero talagang kawawa ang una. Lalaki nga itong naturingan ngunit parang wala namang silbi. Walang trabaho at nag-aalaga na lang itetch ng mga bata. Sayang ang kanyang talino. Tinalbugan pa siya ng kanyang partner na wala namang pinag-aralan.

***

Willie walang nagawa nang bawasan ng oras

WALANG nagawa ang power ni Willie Revillame nang bawasan ng oras ang kanyang Will Time Bigtime program upang bigyan ng pamunuan ng TV5 ang mga bago nilang show. Kung dati ay kulang-kulang tatlong oras ang show ng TV host/comedian plus ang madalas na pag-overtime nito na umaabot din minsan nang kalahating oras, ngayon ay pagkakasyahin na lamang siya sa isa’t kalahating oras. Kalokah!

May hangganan din pala ang kapangyarihan, lalo na kung ito ay kapangyarihang itim. Hahaha! Pero knowing Willie Boy, wala namang pakialam ito sa damdamin ng iba. Siguradong sasala pa rin ito sa oras at tiyak na lalafangin na naman ang timeslot ng susunod na programa.

Well, ang ibig bang sabihin nito eh, kulang na ang paniniwala sa kanya ni MVP? Nalalaos na ba siya? Paano na ang building na hindi pa natatapos, na balita namin ay hanggang 40th floor at may kapares ito? Eh, ang isang pares ay nasa 23rd palapag pa lang at yung isa ay nasa 10th floor, naku!

Ang dami pang kuwartang kakailanganin niya para matalbugan ang gusali ng ABS CBN.

Sa telebisyon kapag limitado ang oras mo, limited din siyempre ang datung na papasok sa’yo. Giatay! Pa’no na ang pang-chicks diyan? Hehehehe!

Anyway, simula July 30, may pagbabago sa primetime block ng TV5, mapanonood na ang Enchanted Garden ng 6:30 p.m. bago ang Wil Time Bigtime na one hour and a half na lang at kasunod ang Artista Academy.

***

Binoe at April Boy, magbabanggaan!

NAIPAKITA na ni Binoe ang galing niya sa pagkanta sa pelikulang “Videoke King” noong 2002 at ngayon, muling masusubukan ang galing ng ‘bad boy’ sa pagkanta at pagsayaw ngayong makakaharap niya sa isang showdown ang sikat na novelty singer na si April Boy Regino sa “TODA Max”.

Iba sa pagiging matipuno at siga ng ‘Beverly Gils’, ipapakita muna ni Tol (Robin) ang ‘artistic side’ niya sa pagsali nila ng anak na si Ron-Ron (Izzy Canillo) sa ‘Father and Son program’ sa school.

Hindi naman magpapahuli si Boogie (April Boy Regino) at ang kanyang anak na si Bugoy (Bugoy Carino) na talagang pinaghandaan ang programa para mapataob ang kaaway nila – ang mag-amang Tol at Ron-Ron. Dahil dito, lalong magpupursige si Ron-Ron na mas galingan ang performance ngunit hindi sinasadyang malalaman niya na hindi bukal sa loob ng ama ang pagsali.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Ron-Ron sa nalaman? Matuloy pa kaya ang ‘sing and dance’ tandem ng mag-ama? ‘Wag palalampasin ang isa na namang nakakaindak na episode sa “TODA Max” ngayong Sabado (Hulyo 21, 2012) pagkatapos ng X Factor Philippines sa ABS-CBN.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply