Sino si Alyas Kidlat ng Negros Oriental?

SA kabila ng panawagan ng Movement for Violence –Free Negros Oriental sa National Government  kaugnay sa umano’y rampant na bentahan ng  iligal na droga at sunod-sunod na patayan sa ilang bayan ng Negros Oriental ay nananatiling bulag, pipi at bingi ang mga kinauukulan.

Sa kasalukuyan umano ay naghahasik ng lagim ang mga bataan ng isang mataas na opisyal ng Negros Oriental sa pakikipagtulungan umano ng matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa nasabing lalawigan.

Sa impormasyong nakarating sa Lily’s Files  ay  sinasabing isang  alyas Kidlat ang umano’y nakipag-meeting sa  mga matataas na opisyal ng PNP sa Negros Oriental para makontrol nito ang pag papakalat ng droga sa mga  bayan  na sakop ng nasabing lalawigan.

Bukod sa droga ay rampant din umano ang mga iligal na pasugalan dito at maging ang mga lotto outlet ay kanilang hina-harass para lang magsara at mapanatili  ang operation ng mga iligal na pasugalan na umano’y pinatatakbo nitong si alyas Kidlat, ang tauhan at kanang kamay ng  mataas na opisyal ng lalawigan.

Sa sitwasyon ngayon ng Negros Oriental ay masasabi nating parang nakatatakot nang manirahan dahil ang  pulisya  at ang mga opisyal ng lalawigan ay magkasama na umano sa mga iligal na gawain.

Aba, dapat na sigurong kumilos dito ang pamahalaan ni PNoy  bago pa dumanak ang dugo sa lalawigan ng  Negros Oriental lalo na’t  isang kilalang personalidad umano ng nasabing lalawigan ang nangangalap ng mga tao para sa kanyang sariling  yellow army.

Nananawagan ang mga taga-Negros Oriental kay Pangulong PNoy at sa iba pang ahensiya ng gobyerno na tingnan o bigyang pansin naman ang kalagayan ng mga tao sa nasabing lalawigan dahil parte din naman sila ng  Pilipinas at mga  Filipino din naman sila.

Sa puntong ito, dapat na rin sigurong kumilos dito ang Philippine Drug En-forcement Agency o PDEA lalo na sa  mga kaso ng droga na sinasabing numero unong pinagkakakitaan ngayon sa nasabing lalawigan.

PDEA Undersecretary  Jose Gutierrez, Jr. sir, baka puwede namang pakilusin n’yo yung mga tauhan nyo, wag naman kayong tutulog-tulog sa pansitan dahil kawawa naman ang ating mga kababayan sa Negros Oriental na katatapos lang tamaan ng malakas na lindol noong nakalipas na Pebrero 6, 2012.

Bukas po ang Lily’s files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento.

Mag-text lang po sa  09155683000 at 0908-7230036 o kaya ay mag- email lang sa lpr_2012@-yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply