Sipain si Gen. Dela Vega at aasa kay angkol vs Intsik

NOONG pinalalayas natin ang “base militar” ng Amerika ay matitinding demonstrasyon ang ginawa ng ating mga kababayan na nagpakilalang mga makabayan daw!

Mga mapagmahal sila sa ating bayan na ang tanging hangarin ay makitang malaya tayo mula sa kamay ng banyaga.

Palakpak ako noon sa kanila . . . saludo ika nga, parekoy, dahil walang ka-sing-saya ang pagiging malaya natin.

Wala ni sa hinagap ng mga “makabayan” na ito na darating ang araw ay pagnanasaan pala ng mga Intsik ang ating lu-pang sinilangan.

Bagay na hindi maaring gawin ng Tsina kung nari-to ang base militar ng Kano dahil obligadong makikialam sina “Angkol Sam” sa katwirang nanganganib ang kanilang mga
base militar.

Ngayong solo na natin ang ating sarili, nangangatog naman ang ating tum-bong kahit balita pa lang na umiikot sa ating papawirin ang kanilang “fighter jets” at pumasok sa ating dagat ang kanilang “warships.”

Nasaan na kaya ang ma-hal kong mga makabayan?

Magbarikada na kayo!

oOo

Pinasabugan ng granada noong madaling araw ng Lunes ang loob ng compound ng NHA na nasa pusod ng Kyusi.

Nitong mga nakaraang  linggo pa lamang ay kabi-kabila naman ang naging krimen sa nasabing lungsod kasama na ang mga nakawan at patayan.

Lahat ‘yan parekoy ay nasa responsibilidad ni QCPD Dir. C/Supt. Mario dela Vega.

Pero wala tayong nararamdamang konkretong kilos ni Gen. Dela Vega para masawata ang mga pangyayaring ito!

Katunayan parekoy, kahit nga ang “jueteng” ni Mendoza sa Novaliches at ang pasugalan ni Joel sa West-point, Cubao na nakapatong umano sa Station Commander ay hindi kayang ipatigil ni Gen. Dela Vega.

Sabagay, ba’t nga naman ipatitigil ni General kung totoo ang ulat na busog naman siya sa mga pasugalang ito!

Kaya kung gusto ni NCR-PO Chief Alan Purisima na tumino ang QC, sibakin na lang niya si Mendoza.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply