Sitcom ni Marianita Rivera sa GMA7 titigbakin na naman

NASAAN na ang maiingay na followers ni Marianita Rivera? Bakit tila hindi na sinusuportahan ng mga ito ang show ng kanilang Malditang idol? May balita kasi na malapit na ring tigbakin ang weekly sitcom nitong Tweets for My Sweet sa GMA7 at planong ibalik na lang ng istasyon ang Pepito Manaloto ni Michael V.

As we heard, kahit na isinama pa si Chef Boy Logro ng Kusina Master sa sitcom ng actress ay hindi pa rin sila makaalagwa sa ratings. Parati na lang single digit ang rating nila unlike noon na ‘yung Pepito pa ang napanonood sa kanilang timeslot ay super hit ito. Pagbabadya na ba talaga ng pagbagsak ng career ni Marianita ang mga kaganapang ito sa kanyang showbiz career?

Well, ganyan naman talaga kapag masyado kang naging palalo o mayabang talagang ibabagsak ka ng itaas. So, bago pa kasi mahuli ang lahat ay magbagu-bago ka na ng ugali mo, lola, nang makabawi ka naman. At dahil labs namin ang makakapareha mo sa pelikula na si Coco Martin, ipagpi-pray na namin kay Mama Mary sa Baclaran church na kumita ito.

Hoping na lang kami gyud!

***

Victory party ng ‘Be Careful With My Heart’ dinaluhan ng buong casts

MAY Be Careful with My Heart fever na talaga sa buong bansa. Yes ang mga Kapamilya natin sa Luzon, Visayas at Mindanao ay nakatutok araw-araw sa light drama comedy-romance na teleserye na tinatampukan ng bagong tuklas na hit na hit na Jodi Sta. Maria at Papa Chen (Richard Yap) love team.

Honestly pagtuntong ng 10:45 ng umaga, umaalingawngaw nang sabay-sabay sa aming subdivision at lahat ay iisa lang ang pinapanood ang Be Careful with My Heart na hindi lang maganda ang story kundi kaaliw ang mga eksena ng yayang si Maya (Jodi) at istriktong amo na si Mr. Lim (Richard Yap). Mamahalin mo talaga ang character rito ni Maya na labs na labas ang laging kapit-bisig sa kanyang pamilya na kinabibilangan ng kanyang Nanay Sylvia Sanchez, kapatid na si Aiza Seguerra at lolang si Divina Valencia.

Swak na swak din si Tita Gloria Sevilla bilang mayordoma ng pamilya Lim. Si Robert Ortega naman, okey ang dating bilang pinagkakatiwalaang kaibigan ni Mr. Lim. Kaya naman kahit saan, talagang pinag-uusapan ang nasabing serye na pataas na pataas ang rating.

Nagsimula ito sa 17% ngayon ay nasa 24.7% na. Kaya naman dahil sa big success nito ay nagpatawag ng thanks giving mass at lunch ang Star TV na dinaluhan ng buong casts except for Aiza na may committment yata noong araw na ‘yun. Sa Chapel ng ABS-CBN ginanap ang misa at sa Cerchio Resto naman nagsalu-salo ang mga artista at buong production team kasama ng kanilang mga publicists na kinabibilangan ng inyong kolumnista at ni BFFT Pete A.

So, Mondays to Fridays sabay-sabay nating panoorin ang nabanggit na teleserye sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN 2 at 10:45 AM bago mag-It’s Showtime!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply