SK president, 2 student sabit sa carjacking

DAKIP ang presidente ng sangguniang kabataan (SK) sa Tadian, Mt. Province at dalawa pa niyang kasamahan nang mangarnap ng sasakyan sa Baguio City.

Napag-alaman na pawang mga menor de edad ang mga suspek na 4th year student lamang.

Sa report, naaresto ang tatlong suspek sa Naguilian Road at 2nd Road Quezon Hill Proper, Baguio City dahil sa isinagawang police checkpoint.

Nakuha sa mga suspek ang isang Motorstar white (2513 ZD) at isang motorsiklo na may plakang 2004 ZK.

Dahil dito agad silang ipinagharap ng kaso ng may-ari ng motorsiklo na si Abraham Dalodalo Manding, 44.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply