SLPA namataan sa eastern Mindanao

ISA na namang shallow low pressure area (SLPA) ang namataang namumuo sa silangang bahagi ng Mindanao.

Natukoy ng Pagasa ang sentro ng sama ng panahon may 150 kilometro layo sa silangan ng Surigao City na nakapaloob sa tinatawag na inter-tropical convergence zone (ITCZ) na siyang nagdudulot ng mga pag-ulan sa Mindanao.

Ayon sa Pagasa, patuloy na makararanas ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng Pilipinas sa weekend hanggang sa susunod na linggo.

Partikular na pinaghahanda ng Pagasa ang mga residenteng nasa Bicol region at Eastern Visayas laban sa posibleng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply