Smuggled rice nasabat sa Subic

NASABAT ng mga Customs officials sa Subic Port, Central Luzon ang may 90 container vans ng bigas kaninang umaga.

Ayon kay BOC Commissioner Ruffy Biazon, dumating ang mga container van na idineklarang gypsum boards.

“May na-intercept ang BOC sa Subic Port, 90 container vans na na-misdeclare na bigas,” ayon sa panayam sa radio ni Biazon.

Ayon kay Biazon, patungo siya sa Subic para personal na inspeksyunin ang mga nasabat na container van.

Dagdag pa ni Biazon iimbestigahan nila ang mga brokers at consignees ng naturang shipment.

Nakatakda namang i-turn over sa  National Food Authority o kaya sa auction ang mga nasabat na bigas.

Ayon pa sa report sa radio, galing sa Vietnam ang bigas na may tinatayang tax payments na nagkakahalaga ng P42 million.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply