Solon inanakan lang ang babae, ayaw pakasalan

MUKHANG dapat mag-ingat ang mga kababaihan, lalo na ang mga dalaga, sa isang mambabatas na ang hilig ay anakan ang isang babae gamit ang kanyang kaguwapuhan at saka iiwanan.

Batay sa impormasyong nakalap ni matang kuwago ng Remate, isang dalaga ang nagawang paibigin ng naturang mambabatas na nagbunga ng dalawang supling.

Galing sa kilala at may kayang pamilya ang babaeng naanakan ng naturang mambabatas kaya’t nagtataka ang marami kung bakit hindi ito pinakasalan ng naturang solon.

Ikinatwiran ng naturang solon na tama na umanong nagkaroon sila ng anak at nagkatikiman sa isa’t isa pero wala siyang balak na magpatali sa kanyang naanakan.

Ang malungkot nito, nakipaghiwalay rin ang naturang babae sa solon dahil sa hindi siya nagawang panindigan kung ‘di man sa simbahan, kahit man lang sa pamamagitan ng civil wedding.

Imposible namang hindi kayang gumastos at maghanda ng naturang solon lalo na’t mula ito sa pamilya ng mga politiko at kilala sa kanilang probinsyang nasasakupan.

Ang pinakamalupit sa mambabatas na ito, matapos na makipaghiwalay sa kanyang inanakan ay nakipagrelasyon ito sa kanyang kapwa mambabatas na kung saan wala namang naging bunga ang kanilang pagsasama kundi puro kaligayahan o sex lang ang naganap.

Mukha yatang idol ng mambabatas na ito si Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III pagdating sa chicks at kung magpalit ng karelasyon.

Ang mambabatas na ito ay nakatakdang magtapos ang termino sa 2013 at nagbabalak na tumakbong mayor kapalit ng kanyang ama.

Higit sa lahat, nagbabalak na tumawid sa ibang partido ang naturang mambabatas patungo sa partido ni PNoy.

May letrang C sa kabuuan ng pangalan nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply