Solons binigyan na ng ultimatum sa RH Bill

BINIGYAN na ng ultimatum ni House Speaker Feliciano Belmonte ang mga kongresista para ilusot ang kontrobersyal na Reproductive Health Bill.

Sinabi ni House Majority Leader Neptali Gonzales na iniutos na ni Belmonte na tapusin na ang debate sa kontrobersyal na panukala at pagbotohan na sa second reading sa plenaryo sa susunod na linggo.

Sa katunayan, ayon kay Gonzales ipinatawag na ni Belmonte ang mga lider ng partido sa Kamara para sa isang caucus.

Kabilang sa mga dapat na dumalo sa caucus ay sina Belmonte at Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya bilang kinatawan ng Liberal Party; Tarlac Rep. Henry Cojuangco at Rex Gatchalian ng Nationalist Peoples Coalition; Palawan Rep. Antonio Alvarez at Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino ng National Unity Party; An Waray Rep. Florencio “Bem” Noel na kakatawan sa partylist groups at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ng Partido ng Masang Pilipino.

Ayon kay Gonzales, nais malaman ni Belmonte kung gaano kalaki ang mga sumusuporta sa RH bill matapos itong iendorso ng Pangulo.

Sasamantalahin din aniya nila ang panahon para pagtibayin ang panukala habang hindi pa sila abala sa budget deliberations.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply