SONA ni PNoy uulanin, babahain – PAGASA

PIHADONG babaha sa ilang panig ng Kamaynilaan kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino bukas.

Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Chris Perez, tuloy pa rin ang ulan na dala ng hanging habagat kahit nakalabas ng bansa ang bagyong Ferdie.

Mga dalawang araw pa aniya bago maubos ang ulan kaya sa Martes pa sisikat ang araw.

Nagbabala rin si Perez na kahit wala nang bagyo ay posible pa rin ang landslide at flashflood dahil sa lakas ng buhos ng ulan.

Aniya, ang hanging habagat ay nagdudulot sa Luzon at Visayas ng mga paminsan-minsang pag-ulan.

Malawakan naman ang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Ang Mindanao naman ay magiging bahagya hanggang sa maulap na may pulo-pulo lamang na pag-ulan o pagkidlat at pagkulog.

Binalaan din ng PAGASA ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag pumalaot dahil sa malakas na alon sa ilang bahagi ng karagatan ng Luzon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply