SONA speech ni PNoy, nasa ika-7 draft na

NASA ikapitong draft na si Pangulong Benigno Aquino III ng kanyang magiging talumpati para sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 23.

Sa katunayan, kasama kahapon ni Pangulong Aquino ang kanyang speechwriters para isapinal ang kanyang talumpati sa SONA.

“ Isa pang pasada doon sa SONA and then hopefully, by… I’m sure he’s already prepared. We have much more time to prepare for the State of the Nations Address this year. And the drafts this year are a lot lesser than the drafts last year.”

Tikom naman si Lacierda sa kung ano ang laman ng SONA speech ng Pangulo. “If you’re going to ask me for details, I am sorry I cannot release the details. But basically it’s going to be a statement. This is primarily a State of the Nation Address.” ani Lacierda.

Magsisilbing translator para sa diplomats at magbibigay ng translation aids si Undersecretary Manolo Quezon.

Samantala, walang aabangan na “bangkang papel” ang publiko sa SONA ng Pangulong Aquino.

“I can describe you what it will not be, there will be no Lenny Skutnik, there will be no Bangkang Papel boys. However, there will be some—shall we say visuals that will aid those who will not be—who will be able to see. It’s important that we also provide visuals for some of the things that the President will be mentioning,” anito.

Hindi naman masabi ni Lacierda kung hindi babanggitin ni Pangulong Aquino sa kanyang SONA speech ang hidwaan nito sa bansang China dahil sa pinagtatalunang Panatag Shoal.

Nanawagan din si lacierda na panoorin ang SONA ni Pangulong Aquino.

“It’s something worth…That’s why we are inviting you to watch the State of the Nation Address.” wika niya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply