Southern Luzon, Visayas, apektado ng ITCZ

IPINAHAYAG ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na apektado pa rin ng Intertropical convergence Zone (ITCZ) ang Southern Luzon at Visayas.

Ang kalakhang Maynila ay makararanas ng madalas na maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.

Ang Katimugang Luzon ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na magiging malawakan ang mga pag-ulan sa Batangas, probinsya ng Mindoro at Palawan na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Samantala, ang natitirang bahagi ng Luzon at Kabisayaan ay magkakaroon ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlatpagkulog.

Ang Mindanao ay magiging bahagya hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 24 hanggang 33 antas ng celsius.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply