Special forum ng JBC, suportado ng kamara

SINUPORTAHAN ni Cibac Pl Rep. Sherwin Tugna ang special forum na ginawa ngayon ng Integrated Bar of the Phil. (IBP) para mahimay ng mabuti ang kwalipikasyon at listahan ng mga nominado sa pagka-Punong Mahistrado.

Ang mga ganitong forum ayon kay Tugna ay malaki ang tulong na maibibigay para sa maayos na pagpili ng Judicial and Bar Council (JBC) ng Chief Justice.

Sinabi pa ng kongresista na ang  malinis at maliwanag na criteria sa pagka-chief justice ay makakatulong ng malaki para malimitahan ang listahan ng mga nominado na mapagpipilian na siyang karapat dapat sa nasabing posisyon.

Ang nasabing forum ay dinaluhan ng mga retiradong Supreme Court Justices at deans ng mga law schools na siyang kauna-unahang konsultasyon na ginawa ng IBP.

Ani Tugna, ang magiging resulta ng nasabing forum ay agad na ibibigay sa JBC upang makagawa na ng short-list ng susunod na chief justice na hihirangin ng pangulong Aquino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply