Speech ni PNoy sa SONA binubusisi pa

PATULOY na binubusisi pa ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang magiging talumpati sa kanyang pangatlong State Of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 23, 2012.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, gusto lang ng Chief Executive na mag-iiwan ng tatak sa publiko ang kanyang SONA speech at hindi ngitngit sa nakararami.

Tiniyak nito na pangunahing tututukan ng Pangulong Aquino ang mga makabagong hakbang at programa ng kanyang pamahalaan para sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa bukod pa sa pagsugpo sa katiwalian.

Hindi naman masabi ni Sec. Lacierda kung “graduate” na sa magiging speech ng Pangulong Aquino sina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at napatalsik na dating Supreme court Chief Justice Renato Corona.

Wala rin siyang ideya pa sa ngayon kung ilang pahina at kung ilang minuto tatagal ang magiging talumpati ng Pangulong Aquino.

Tikom naman ang bibig ng Malakanyang kung agad na maipapasa sa Mababang Kapulungan ang Responsible Parenthood Bill bago matapos ang taon.

Ayon kay Sec. Lacierda  may nakatakda namang iskedyul ng debate, diskusyon ukol sa nasabing panukalang batas para rito.

Kaya sa ngayon aniya ay “we cannot comment on that, on the pace.”

Samantala, suspendido naman ang mga klase sa 29 na public schools malapit sa Batasan Complex sa Quezon City.

Sa ipinalabas na memorandum division superintendent Corazon Rubio, inatasan nito ang administrators ng mga maapektuhang paaralan na magsagawa na lamang ng make-up classes.

Sakop ng kautusan ang 19 elementary at 10 high schools:

Elementary schools:
·         Commonwealth Elementary School
·         Corazon Elementary School
·         Doña Juaña Elementary School
·         Holy Spirit Elementary School
·         Lagro Elementary School
·         North Fairview Elementary School
·         Ang Bagong Silangan Elementary School
·         Culiat Elementary School
·         New Era Elementary School
·         Melencio Castelo Elementary School
·         Payatas B Elementary School
·         Payatas c Elementary School
·         Payatas B Annex Elementary School
·         Manuel L. Quezon Elementary School
·         Lupang Pangako Elementary School
·         San Diego Elementary School
·         Fairview Elementary School
·         Benigno Aquino Elementary School
·         West Fairview Elementary School

High schools:
·         Commonwealth High School
·         Batasan Hills National High School
·         Justice Feliciano Belmonte High School
·         Holy Spirit National High School
·         Lagro High School
·         North Fairview High School
·         Bagong Silangan High School
·         Culiat High School
·         New Era High School
·         Judge Cecilia Muñoz Palma High School

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply