Speech ni PNoy sa SONA nasa 4th draft na

NASA ikaapat na draft na ang talumpati ng Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 23, 2012.

Ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, aasahan pa ang mga pagbabago dahil mahaba-haba pa ang panahon bago ang araw ng SONA.

Masyado aniyang mabusisi ang Pangulo sa kanyang ‘choice of words’ at mensaheng nais iparating kaya madalas ang pakikipagpulong nito sa kanyang speechwriters.

Hindi naman masiguro kung alin ang aaprubahang audio-visual presentation at kung Filipino o Ingles ang gagamiting wika.

“Sa SONA po I just saw the fourth draft of the SONA that was submitted to the President. So ano na po, fourth draft na po tayo. We will see a lot of movements, a lot of changes in the way that the President does his SONA in the next weeks, ano. Just to give you an idea, si Pangulo po kasi, ano ‘yan eh, it‘s a constant evolution. Kapag lalo ho meron siyang mga nakikita in his daily work that he feels that should be included, nilalagay po ‘yan. So constantly magcha-change po ‘yung form nung draft,” ang pahayag ni Usec. Valte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply