Speech ni PNoy sa SONA, sinigurong di mag-leak

TINIYAK ng Malakanyang na hindi na magli-leak ang speech ni Pangulong Benigno Aquino III para sa kanyang ikatlong State Of the Nation Address (SONA) na kanyang ihahayag sa Hulyo 23, 2012 sa Batasan Complex.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda makatitiyak ang lahat na hindi na mauulit ang nangyari noon sa 2010 SONA speech ni Pangulong Aquino na nakuha agad ng ANC habang binabasa pa lang ng Pangulong Aquino ang kanyang speech.

“The President reminded all of those who were involved in the drafting of the SONA speech to ensure confidentiality,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.

Ayon pa rin sa opisyal na konti lamang silang may kopya ng draft ng SONA speech ng Punong Ehekutibo.

Bangkang papel boys

TULOY-tuloy ang  suportang ibinibigay ng Malakanyang sa “bangkang papel boys” na sina Erwin Dolera, Jason Vann Banogan at Jomar Pabalan.

Ang tatlo ay naging “bida” sa unang SONA ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang simbolo ng pag-asa.

Sa katunayan, kung anuman ang naging reklamo ng tatlo o isa sa tatlong bata ay naplantsa na ito noon pang nakaraang taon.

“When it came out, we immediately—Secretary Dinky Soliman immediately answered that issue,” ani  lacierda.

 

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply