Spy plane ugat ng giyera at Cubao chair swak sa sugal

HINDI maikakaila ni Brgy. Chairman Nilo Tan na pinuputakte ng mga ma-nanaya tuwing gabi ang isang lantarang “sugalan” sa Westpoint, Cubao na kalimitan ay may mga menor de edad pa.

Aba eh, napakatagal nang inirereklamo pero hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ang nasabing pasugalan.

Ilang “tawiwit” ang nagsabi na hindi lang pera ang dahilan ng pangu-ngunsinti ni Tserman, kundi ang kagandahan ni “Ine”, ang booker na dati ring hawak ng isang dating parak.

Concerned tayo, parekoy, dito kay Tserman, kaya nga nais nating ipaalaala na ang kagandahan ni Delilah ang nangwasak sa magagandang mithiin ni Samson!

Hahayaan mo ba, Chairman Nilo Tan, na wasakin ni “Ine” ang iyong magandang simulain at mataas na respeto sa iyo ng mga taga Cubao, Quezon City?

-o0o-

NAGBABALA, parekoy, ang bansang Tsina na hindi sa lahat ng oras ay palaging mahaba ang kanilang pasensya.

Tungkol ito sa paghiling ni PNoy sa Amerika na mag-deploy ito ng “spy planes” sa West Philippine Sea at Scarborough Shoal kung saan kasalukuyang maigting ang tensyon sa pakikipag-agawan ng mga singkit dito sa ating karagatan.

Totoong masakit nga ito sa atin na mistulang binabarako tayo ng hinayupak na Tsina!

Pero hindi natin dapat kalimutan ang reyalidad na limampung ulit mang doblehin ang lahat ng ating bilang, kakayahan ng armed forces at “satsat” ng Palasyo ay yakang-yaka pa rin nila tayong tirisin kung giyera rin lang ang pag-uusapan!

Ibig kong sabihin, bakit hindi tayo humanap ng ilang diplomatikong solusyon sa halip na hilingin ang “spy planes” ni Angkel Sam?

Paano na lang kung dito sa ating lugar pa magkapikunan sina angkel at mga lintek na “tsekwa”?

Hindi ba’t tayong mga Pinoy ang unang kawawa? Kung magiging ugat rin lang ng giyera dito sa Pinas  ‘yang lintek na “spy planes” ng Kano, huwag nang papuntahin ‘yan dito!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply