Stags aawatin ang Heavy Bombers

MULING magtatanim ng bomba ang Jose Rizal University Heavy Bombers upang sikwatin ang ika-apat na sunod na panalo at manatiling malinis sa nagaganap na 88th NCAA men’s seniors basketball competition sa The Arena sa San Juan.

Bibitbitin ng Heavy Bombers ang 3-0 win-loss slate upang maging inspirasyon nila sa pakikipagtuos sa last year’s runner-up San Sebastian College Stags bukas ng 6 ng gabi pagkatapos ng laban ng Lyceum of the Philippines Pirates at Arellano University Chiefs.

Kapit naman ng Stags ang 2-1 baraha at sasandal sila sa kanilang star player at reigning MVP  Calvin Abueva upang itarak ang tatlong sunod na panalo matapos matalo sa opening day.

Ipagpapatuloy naman ng Pirates ang kanilang momentum upang hablutin ang pangatlong panalo sa nasabing liga.

Tatlong sunod agad na kabiguan ang nalasap ng LPU subalit naging agresibo sila sa huling dalawang panalo upang manatiling may pag-asa na makapasok sa Final 4.

Kahapon ay sinilat ng Pirates ang Mapua Cardinals, 78-74 matapos bumira si “Sugar” Shane Ko ng 23 puntos, anim na rebounds at tatlong assists.

Mag-isa sa top spot ang JRU habang solo sa second place ang Perpetual Help Altas hawak ang 3-1 card.

Nakuha ng Altas ang ikatlong panalo ng gulatin nila ang defending champion San Beda College Red Lions, 88-87 sa overtime game.

Magkasosyo naman ang Stags at Red Lions sa third to fourth spot.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply