State burial kay Dolphy, tinanggihan ng Malakanyang

MARIING tinanggihan ng Malakanyang ang panukalang mapagkalooban ng state burial ang comedy king na si Rodolfo Vera Quizon na mas kilala sa tawag na “Dolphy”.

Tugon ito ng Malakanyang sa pahayag ni dating National Commission for the Culture and the Arts (NCCA) Executive Director Cecile Guidote-Alvarez na maaaring bigyan ng state burial si Dolphy kahit hindi pa nagagawaran ng National Artist award.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang plano ang gobyerno at hindi rin napag-uusapan ang ganitong uri ng parangal kay Dolphy.

Bagama’t diskresyon, aniya, ito ni Pangulong Benigno Aquino III ay sapat na umano ang pagdedeklara ng National Day of Remembrance sa hari ng komedya.

Kumbinsido naman ang Malakanyang na mas mabuting alalahanin ang masasaya at magagandang nagawa ni Dolphy noong nabubuhay pa, imbes na malungkot sa kanyang pagpanaw.

Sa kabilang dako, todo-paliwanag naman ang Malakanyang kung bakit National Day of Remembrance at hindi National Day of Mourning ang idineklara kahapon para sa pagpanaw ni Dolphy.

Marami ang ang nagtanong kung tama ba ang nasabing deklarasyon sa pagpanaw ng comedy king.

Aniya, mismong ang pamilya Quizon ang humiling na hindi National Day of Mourning ang maideklara dahil nais nilang maalala ang masasayang kontribusyon at naging buhay ni Mang Dolphy.

Nauna rito, malugod na tinanggap ng pamilya Quizon ang nasabing anunsyo.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply