State of emergency sa Sulu invalid – SC

KINATIGAN ng Korte Suprema ang inihaing petisyon ng ilang residente ng Sulu na kumukwestyon sa proclamation at implementing guidelies ni Sulu Governor Abdusakur M. Tan.

Dahil dito, pinawalang-bisa ng Katas-taasang Hukuman ang proclamation number 1 ni Gov.Tan nagdedeklara ng state of emergency sa lalawigan ng Sulu kasabay ng kautusan sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philipines (AFP) at Civilian Emergency Force (CEF) na maglatag ng peace and order sa bisinidad ng kanyang nasasakupan.

Sa 25-pahinang desisyon na sinulat ni Justice Maria Lourdes P.A. Sereno, nilinaw na ang gobernador ay walang kapangyarihan na magdeklara ng state of emergency at wala ring karapatan ang provincial governor na magpatawag ng AFP>

“As discussed in the deliberation of the Constitutional Commission, only the President has “full discretion to call the military when in his judgment it is necessary to do so in order to prevent or suppress lawless violence, invasion or rebellion”, paglilinaw ng Korte Suprema.

Ayon pa sa SC, ang kapangyarihang ito ay eksklusibo lamang sa Pangulo ng bansa, alinsunod na rin sa itinatakda ng Saligang Batas sa Section 23, Article VI at  Section 7, Article VII  nh  1987 Constitution.

Paliwanag pa ng SC, walang batayan o mali ang interpretasyon ni Governor Tan sa Section 465 ng Local Government Code dahil hindi maituturing na kalamidad o disaster ang kidnapping situation tulad ng nakasaad sa code, na nagpapahintulot sa Chief Executive na magsagawa ng emergency measures sa panahon at matapos ang man-made and natural disasters and calamities.

Idineklara rin ng SC na imbalido ang pagkakatatag ng civilian emergency force dahil hindi pinahihintulutan ng  Section 21 ng Article XI ng Konstitusyon ang isang provincial governor na mag-organisa ng pribadong armed groups na magpapatupad ng peace and order sa isang rehiyon, dahil ito ay responsibilidad ng local police agencies na salig sa Konstitusyon.

Pananagutan naman ng national government ang depensa at seguridad sa mga rehiyon, ayon sa ruling.

Ang state of emergency sa Sulu ay idieklara ni Gov. Tan nang dukutin ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang tatlong miyembro ng International Committee of the Red Cross (ICRC), kung saan naglagay ng checkpoints and chokepoints, nagsagawa ng general search and seizures kabilang na rin ang pagdakip at iba pang hakbang para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa lugar gamit ang Section 465 ng Local Government Code.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply