Storm no. 2, nakataas na sa Cagayan

NAKATAAS na ngayon ang ¬†Public Storm Warning Signal (PSWS) no. 2 saCagayan, kabilang na ang Calayan at Babuyan Group of Islands bunga ngpagkas ng bagyon “Gener”.

Ayon sa ulat ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Fernando Cada nabahagyang lumakas ang bagyong Gener habang patuloy na kumikilos papunta sa dulo ng Hilagang Luzon.

Huling namataan ang bagyo sa layong 310 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 100 kph.

Gumagalaw ang bagyo pa-hilaga, hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Kaugnay nito nakataas na rin ang signal no. 1 sa Isabela, Kalinga,Apayao at Batanes Group of Islands.

Ayon kay Cada, kung hindi magbabago ang pagkilos ng bagyo ayinaasahang nasa 230 kilometro hilagang-silangan ng Aparri, Cagayan bukas ng umaga.

Inaasahan namang sa Martes ay nasa layong 210 kilometrohilagang-silangan ng Basco, Batanes ang bagyo hanggang sa tuluyangmakalabas ng bansa.

Sinabi ni Cada na hindi tatama sa kalupaan ang bagyo at lamang saHilagang Luzon pero magpapalakas sa hanging habagat.

Ang Luzon ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan, na kungmagdi-dire-diretso ay magiging sanhi na rin ng mga pagbaha at pagguhong lupa.

Muling pinaalalahan ng PAGASA ang mga mangigisda at mga maliliit nasasakyang pandagat na huwag munang pumalaot dahil sa nakataas na GaleWarning.

Inaasahan na maalon hanggang sa napaka-alon ang lagay ng seabords ngCentral at Southern Luzon, maging ng Visayas at eastern seaboard ngMindanao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply