Subscribers pikon na sa Globe

PIKON na ang mga subscriber ng dambuhalang kompanyang Globe Telecommunications sa kawalan ng aksiyon at patuloy na pagbibingi-bingihan sa mga hinaing at reklamo sa masamang serbisyo.

Lalo pang lumobo ang bilang ng mga naiirita ng subscribers ng Globe matapos matuklasan na maraming mga lugar sa Metro Manila ang hindi na napakikinabangan ang kanilang mobile phone dahil sa kawalan ng signal.

Bukod sa echo system kung saan boses din ng subscribers ang kanilang naririnig sa mga tinatawagan sa kabilang linya, nahihirapan din silang tumanggap ng mensahe o tawag sa maraming lugar sa Metro Manila dahil sa kawalan ng signal.

Karamihan sa mga nagrereklamong subscriber ay kinakailangan pang lumabas ng kanilang bahay upang makatanggap o makapagpadala ng mensahe sanhi ng kawalan ng signal sa kanilang lugar.

Kabilang sa mga nakaranas na post subscriber ng kawalan ng signal ng Globe ang mga naninirahan sa Xavierville Avenue, Marina sa Paranaque City, Timog Avenue, Kamuning, Quezon City, Unite Nations Avenue, Roxas Boulevard, Mall of Asia sa Pasay City, Macapagal Avenue, Jose Abad Santos sa Tondo at malaking bahagi ng una at ikalawang distrito ng Tondo.

Ayon sa mga nagrereklamo, inutil ang cellsite ng Globe sa kanilang lugar kaya’t matindi ang kanilang nararanasang problema ngayong tag-ulan dahil hindi sila makalabas ng bahay upang makahanap ng signal para makatanggap ng tawag o makapagpadala ng mensahe.

Nagtataka ang mga subscriber kung bakit sa kabila ng bilyong halaga ng kita ng dambuhalang kompanya ay hindi pa rin magawan ng paraan na malagyan ng cell-site ang maraming lugar sa Kamaynilaan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply