Sumadsad na China vessel, balik China na

KINUMPIRMA ngayon ng Chinese Embassy sa Lungsod ng Maynila na maglalayag na pabalik ng China ang barko nilang pandigma na sumadsad sa karagatang sakop ng lalawigan ng Palawan.

Ayon kay  Chinese embassy spokesman Hua Zhang, nailutang na ang nabanggit na barko, ilang araw makaraang tumirik at sumadsad sa  Half Moon Shoal, sa karagatang saklaw ng Philipine Economic Zone.

Dakong alas 5 ng umaga kanina nang mailutang ang nabanggit na war ship, ayon na rin sa ipinarating na report ng Information Department ng Ministry of National Defense ng China.

Ang  sumadsad na Chinese vessel ay  nagkaroon ng   minor damage sa stem part o makina ngunit ligtas na rin ang  mga sakay nito.

Hindi naman nagdulot ng anumang kontaminasyon  o oil spill sa  karagatan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply