Elf truck sumalpok sa kotse, 2 sugatan sa Pasay

NASUGATAN ang dalawang bystander nang salpukin ang mga ito ng isang kotse kaninang umaga sa northbound lane ng Roxas Boulevard, malapit sa Cultural Center of the Philippine (CCP) complex, Pasay City.

Batay sa report ni SPO 1 Marianito Agas ng Pasay City Traffic Unit, ang insidente ay naganap dakong 9:35 ng umga sa Roxas Boulevard, malait sa boundary ng Vito Cruz, St., Manila.

Ayon sa salaysay ng biktimang si Edna Lorete, 58, residente ng Block 11 Lot 14 Perpetual, Bacoor, Cavite minamaneho niya ang kanyang kotseng CRV na may plakang PMI 368 patungong Manila mula Cavite nang mapahito sa stop light na nasa Vito Cruz, sakop ng lungsod ng Pasay.

Di pa nagtatagal, biglang lumagabog ang likurang bahagi ng kotse at nakita ang isang Elf trak na walang plaka na minamaneho ni Alli Palco, 34, na nagresulta sa pagkakawasak ng CRV.

Ayon sa ulat na nakalap ni SPO1 Agas, dalawang biktima na tumatawid ang isinugod sa Ospital ng Maynila na sinasabing nabundol sa unahan ng nabudol na kotse ni Lorete.

Sa kasalukuyan hinahanap pa ng imbestigador ang dalawang biktima para mabatid ang kalagayan ng mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply