Sundalo nangotong, tepok

NAPATAY ang isang miyembro ng militar makaraang makipagpalitan ng putok matapos ang isinagawang entrapment operation ng militar at pulisya sa harap ng Robinson’s mall sa General Santos city.

Kinilala ang suspek at napaslang na si Gilbert Delco, 29-anyos, miyembro ng militar na nakabase sa Compostela Valley at residente ng Zone 1, Bo Blaan Community Village sa lungsod na na tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Army Colonel Glorioso Miranda, Brigade Commander sa 1002nd Brigade, kumpirmadong isang sundalo ang suspek na nangongotong ng salapi sa negosyante nakinilalang si Esperanza Lumain ng Santa Cruz Davao del Sur kaya isinakatuparan ang entrapment operation.

Ginawa ang transaksyon ng dalawa sa harap ng nasabing mall sa siyudad subalit ng tanggapin na ng suspek ang P80,000 dito lumapit ang pulisya at militar kaya nauwi sa enkuwentrol, tumakas pa ang suspek subalit eskinita ang napasok nito kaya siya inabot ng mga awtoridad.

Dinala pa sa Socsargen Country Hospital ang suspect subalit binawian ito ng buhay   samantalang, nagsasagawa ng malalimanng imbestigasyon hinggil sa pangyayari dahil batik sa buong hanay ng military ang nangyari sa suspect na nagpakilalang isang Miyembro ng New People’s Army (NPA).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply