Sundalong lango sa alak nanutok ng armalite

LA UNION – Isang miyembro ng Philippine Army (PA) na umano’y lango sa alak ang inaresto ng mga police matapos itong manutok ng M-16 armalite rifle sa grupo ng mga kalalakihan sa isang beerhouse,  barangay Catbangen, San Fernado, La Union.

Binitbit agad ang suspek  na kinalalang si Lt. Jomar Cabrrra sa himpilan ng pulisya.

Base sa inisyal na report ng La Union Philippine National Police (PNP), kasalukuyang umiinom ang suspek ng dumating ang grupo ng kalalakihan at tinawanan si Cabrerra na naka-upo sa malapit sa main gate ng nasabing night club.

Na- asar umano ang nasabing military at agad na lumapit ito sa kina-uupuan ng mga kalalakihan.

Ayon sa report, bago umano ang panunutok ay sinipa muna ng suspek ang isa sa mga kalalakihan at saka ikinasa ang rifle at itinutok sa kanila.
Sa puntong ito, agad na nagsumbong ang management ng nasabing beerhouse sa pulisya at agad naman itong nerespundehan at inaresto ang suspek.

Samantala, pinagpapaliwanag ni Ilocos Norte PNP provincial director Sr. Supt. Marlou Chan si Supt. Melvin Napiloy, Laoag chief of police, na gumawa ng report sa loob ng 24-oras kung bakit hindi nagawan ng police report o police blotter ang nasabing insidente.

Nagulat umano si Chan nang malaman ang insidente sa isang local na radio station.

Sa kasalukuyan, nahaharap sa kasong gun toting ang suspect at nasa custody ngayon ng lokal na pulis ang baril ng suspek.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply