Bodega ng plastic nasunog sa Valenzuela

NILAMON ng apoy ang isang imbakan/pagawaan ng plastic sa Barangay Dalandanan Valenzuela kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat sa radyo, nahirapan ang mga bumbero na patayin ang sunog dahil sa lumaki ito ng sobra at sa makapal na usok at amoy na nagmumula sa mga nasusunog na plastic.

Isang kotse rin ang nadamay sa sunog naganap na sunog.

Wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa sunog at inaalam pa kung magkano ang napinsala.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply