Suntok ni PNoy kay Paje

SA State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino noong Lunes, pinuri niya ang mga cabinet member na nakagawa ng ‘achievement’ sa kanilang departamento.

Pero mapapansin na sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ‘di si Sec. Ramon Paje ang kanyang pinuri kundi si Mayor Jun Amante ng Butuan City.

Sa kuwento ni PNoy, lumalabas na ‘di ang DENR ang nakasakote kundi si Mayor Amante ang nagtrabaho para masabat ang milyong halaga ng illegal logs.

Matatandaan na dahil sa pagkakasabat ng hot logs na ito, maraming DENR official ang ipinag-utos ng Pangulo na kasuhan at sibakin sa puwesto.

Nakahihiya na ang performing cabinet officials ay pinupuri ng Presidente habang ang sa DENR, ang matikas kay PNoy ay isang outsider na katulad ni Mayor Amante.

Yakkkkk. ‘Di ba nakahihiya Sec. Paje, sir? Sa ginawang papuri ng Pangulo kay Mayor Amante, aba’y parang sinasabi ni PNoy na palpak ang liderato ni Paje.

Ito’y ‘di lamang ‘sampal’ kundi malinaw na ‘suntok’ sa Environment Secretary. Pero ang tanong, eh, naramdaman ba ito ng butihing kalihim.

Kung tinatablan pa ng hiya si Paje, dapat ay sundan na niya ito ng pag-iimpake ng kanyang mga gamit sa kanyang opisina at kusang lumayas sa DENR.

Aba’y ‘di ba naramdaman ni Paje na mistula siyang binigyan ng malakas na suntok ni PNoy habang ang pinupuri ng Punong Ehekutibo ay ang alkalde ng Butuan City?

Accomplishment sa paglaban sa illegal logging, ‘di man lang nabanggit ang pangalan ni Paje? Sobrang pinuri ni PNoy si Mayor Amante ha-bang ipinamukha niya sa sambayanan na itong DENR sa ilalim ni Sec. Paje ang siya namang kasabwat ng illegal loggers sa Kamindanawan.

Ipinagmalaki ni PNoy na si Mayor Amante ay may political will na dapat tularan ng iba pang local government officials habang itong si Paje ay lumilitaw na inutil sa problemang illegal logging.

Kung tutuusin, ang SONA ni PNoy ay ukol sa isyu ng pagpoprotekta sa ating kalikasan ay nagsisilbing pagpapaalala kay Paje na wala siyang nagagawa para isalba ang nakakalbong ka-bundukan at kagubatan ng Pilipinas.

Kasama ba si Paje sa gustong tukuyin ni PNoy na “walang mga konsensiya” at “tapos na ang maliligayang araw” sa DENR? Kung bakit ‘di ibinilang ni PNoy si Paje sa 34 kawani ng DENR na sinampolan o sinibak sa tungkulin dahil sa kainutilan at pagsisilbi pang protektor ng illegal loggers sa Mindanao, eh, labis nating pinagtatakhan ito.

May ulat na magkakaroon ng rigodon ang mga gabinete.

Isa na kaya si Paje sa maaapektuhan. Abangan natin yan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply