Suplay ng kuryente sa NAIA normal na

NAIBALIK na sa normal ag suplay ng kuryente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Terminl 1 at 2.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado, nawalan ng suplay ng kuryente ng Meralco sa pagitan ng 10:00 at 11:00 kagabi, kaya napilitan silang patayin ang linya sa lungsod ng Paranaque dala ng malakas na hangin at ulan.

Hindi naman naging problema sa operasyon ng paliparan ang pag-shut off ng suplay ng Meralco dahil pinagana naman kaaagad ang generator.

Hindi rin nagka-aberya sa biyahe ng mga pasahero dahil sa nasabing pangyayari.

Samantala, nagkansela naman ang dalawang Zest Air flights Z2 260 na biyaheng Manila-Masbate, at return flight na Z2 261.

Isang biyahe naman ng PAL na PR- 856, Cebu-Manila na dapat nakarating ng terminal 2 ng 11:55 kagabi, pero dumating na kaninang ala 1:19 ng madaling araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply