Suplay ng LPG sa bansa, sapat – DOE

IPINAHAYAG ngayon ng Department of Energy (DOE) na mayroong sapat na suplay ng liquefied petroleum gas (LPG) sa mga pamilihan sa bansa.

Iginiit ng DOE ang kanilang pahayag kaugnay ng reklamo ng LPG Marketers Association na iniipit ng malalaking kompanya ng langis ang suplay ng LPG.

Ayon kay Energy Undersecretary Zenaida Monzada, batay sa kanilang monitoring, wala namang kakulangan ng suplay ng LPG sa mga pamilihan.

Gayunman, nagpakalat na ng mga tauhan ang DOE para busisiin ang mga bodega LPG upang matiyak kung sapat nga o hindi ang suplay nito sa pamilihan.

Hindi aktuwal ang ginagawang pagmo-monitor ng Department of Energy (DOE) sa suplay ng LPG sa bansa, ayon kay Ty.

Sinabi ni LPG Marketers Association Partylist Rep. Arnel Ty, na sa telepono lamang nagmo-monitor ng suplay ng LPG ang DOE kaya hindi accurate ang report ng mga ito sa publiko.

Sinabi ni Ty na nakiusap na sila sa DOE na puntahan ng personal ang mga bodega ng LPG ng malalaking kompanya ng langis upang matiyak kung may nagaganap ngang ipitan o wala ng suplay ng LPG.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply