Susan Roces kay Dolphy: Ikumusta mo ako kay FPJ, happy trip

HINILING ni actress Susan Roces kay Comedy King Dolphy na ikumusta siya nito sa kanyang namayapang mister na si King of Philippine Movies Fernando Poe Jr.

“Dolphy, happy trip. Mami-miss ka namin, promise walang iyakan alam ko ayaw mo ‘yan. ‘Hello’ na lang kay Rannie (FPJ). Alam ko kahit wala na kayo dito hindi namin kayo nakikita ramdam namin na hindi niyo kami iniwan,” pahayag ni Roces.

“Malaki kayong kawalan ni Rannie sa industriya,” dagdag pa nito.

Mangiyak-ngiyak si Roces nang magpalaam ito sa burol ni Dolphy na namatay sanhi ng multiple organ failure nitong nakaraang Martes.

Pinasalamatan din niya si Dolphy sa lahat ng guidance at pagmamahal na ibinahagi nito sa kanya at sa kanyang pamilya.

“Maraming salamat sa lahat ng itinuro mo sa amin hindi lamang sa pag-arte kung hindi sa pakikipagkapwa tao. Higit sa lahat, salamat napakamabuti mong kaibigan. Salamat sa pagiging matulungin mo ng hindi mo ipinangangalandakan, quiet lang. Maraming salamat. I love you,” sambit pa ni Roces.

Sinabi ni Roces na 14-anyos pa lamang siya nang pasukin niya ang showbiz. Sina Dolphy at Panchito aniya ang tumulong para sa kanyang acting project.

Ang kanyang unang pelikula na ‘Boksingera” ay katambal niya si Dolphy. Marami pa aniyang pelikula ang pinagsamahan nila ni Dolphy sa ilailm ng RVQ Productions.

Isa si Dolphy sa kilalang malapit na kaibigan ni FPJ. (Robert C Ticzon)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply