Suspected drug lord timbog sa NAIA

KALABOSO ang isang Tsino na hinihinalang drug lord sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr., ang suspek ay kinilala na si Mark Tan o alyas “Ronghao Chen” na kasama sa listahan ng mga umano’y bigtime drug traffickers sa Pilipinas.

Inaresto si Tan ng Intelligence and Investigation Service (IIS) ng PDEA sa bisa ng warrant of arrest habang nasa NAIA Terminal 3.

Si Tan ay kabilang umano sa drug syndicate na nag-o-operate sa Binondo kung saan gamit nito ang sariling bank account para sa kanyang transaction sa pagbebenta ng mga droga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply