Suspek sa ‘Batman massacre’ pormal nang kinasuhan

SINAMPAHAN na ng kasong 24 counts of first-degree murder si James Holmes, itinuturong namaril sa Century 16 movie theater sa Colorado habang isinasagawa ang screening ng Batman movie na “The Dark Knight Rises” na ikinasawi ng 12 katao at ikinasugat ng 50 iba pa.

Humarap si Holmes sa isinagawang pagdinig kung saan ang mga katagang ‘Yes’ lamang ang narinig sa bibig nito nang tanungin siya kung papayag ba siyang i-waive ang karapatan nito para sa gagawing preliminary hearing.

Sinabi ni Judge William Sylvester kay Holmes, ang parusang kaakibat ng kanyang kaso ay habang buhay na pagkakakulong hanggang kamatayan.

Si Holmes, 24, ay umupo sa jury box katabi ang public defender na si Tamara Brady at hindi magawang tumingin sa gallery kung saan naroon ang halos dalawang dosenang naging biktima nito.

“It will be a conversation we have with the victims before we make that decision,” ayon kay District Attorney Carol Chambers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply