Suspension orders vs Calalay, Paulate inalmahan

PINATAWAN na ng anim na buwang suspensiyon ng Department of the Interior and Local Government ang dalawang konsehal ng Quezon City dahil sa kontrobersiyal na ghost employees.

Magkagayunman hindi tinanggap ng mga staff nina Councilors Francisco Calalay at Roderick Paulate ang kopya ng suspension orders na personal na inihatid ni DILG-Quezon City director Juan Juvian Ingeniero at kanyang mga tauhan.

Dahil dito, napilitan si Ingeniero na ipaskil na lamang sa pintuan ni Paulate ang sulat pero inagapan naman ito ng mga tauhan ng nasabing konsehal.

Anila wala si Paulate dahil may dinaluhang aktibidad sa District 2 ng buong maghapon, habang hindi naman mahagilap si Calalay para magkomento sa isyu.

Kaugnay nito, inatasan na ni Undersecretary for Local Government Austere Panadero si  National Capital Region director Renato Brion sa pamamagitan ni Ingeniero para maipatupad ang anim na buwang suspensiyon laban kina  Calalay, Paulate, at mga liaison officer na sina  Flordeliza Alvarez at Vicente Bajamunde.

Binigyan din ng kopya ng DILG ang  resident Ombudsman ng pamahalaang lungsod na si  Ronaldo Doctor at Mayor Herbert Bautista.

Matatandaang nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang 11 pahinang kautusan  noong July 9, laban sa apat na akusado hinggil sa pagtatago ng  ghost employees bago inatasan ang  DILG  na  isailalim sa  preventive suspension  ang mga akusado na walang sahod.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply