Susunod na CJ makatutulong sa pagpapabilis ng Maguindanao massacre case

KUMBINSIDO ang Malakanyang na malaki ang maitutulong ng bagong mapipiling Supreme Court Chief Justice sa mabilis na pagdedesisyon sa kaso ng Maguindanao massacre.

Ito ay sa kabila ng pahayag ni ni Quezon City Judge Jocelyn Reyes na malaki ang posibilidad na makapagpalabas na siya ng desisyon sa 2016, bago pa matapos ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na magkakaroon ng pagkakataon ang mga apektadong partido na makaapela sa Korte Suprema.

“We are hoping with a new Supreme Court Chief Justice, makatutulong at mabilisan nang kaunti ang kaso ng Maguindanao massacre. Definitely we will expect kung may judgment of conviction aakyat sa taas ang akusado. Sana lahat ‘yan ma-resolve natin,” ayon kay Sec. Lacierda.

Sa ulat, nagsimula na ang Judicial and Bar Council ng kanilang screening para sa ipapalit sa posisyon ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona na napatalsik sa puwesto bunsod ng Senate impeachment court noong Mayo 29.

Kamakailan, sinabi naman ni Judge Reyes na ibaba niya ang hatol sa kasong ito bago matapos ang termino ni Pangulong Aquino.

“Technicalities ang nagpapabagal dito, ‘yan ang dasal namin, we are very glad the judge sinasabi niya ire-resolve niya ahg kaso within this administration,” ayon kay Sec. Lacierda sabay sabing

Samantala, tiniyak ng Malakanyang na ginagawa nila ang lahat upang madagdagan ang pondo ng Witness Protection Program dahil karamihan sa mga kamag-anak ng testigo ay nagpunta na ng ibang bansa bunsod ng pananakot sa kanilang buhay.

“On the part of the government, we are looking into the concerns of Witness Protection Program,” anito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply