Susuway sa fixed salary scheme, prangkisa ‘di mare-renew

NAGBABALA ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na hindi pahihintulutan ng ahensay na mapag-renew ng prankisa kapag hindi sinunod ang requirement ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pinakabagong fixed salary scheme.

Ayon kay  Spokesperson Sonia Untalan-del Mundo hinid mapagre-renew ang mga bus companies sa sistema ng inimplementa ng DOLE simula kahapon ay ang pagbibigay ng sweldo sa mga bus drivers at kundoktor para hindi na kailangan maghabol ng pasahero na itinuturong dahilan ng aberya at aksidente sa kalsada.

Ayon kay del Mundo, hindi nila papayagang mag-renew ng prangkisa ang mga bus companies na hindi papasa sa kanilang, “compliance certificate” na magpapatibay na legal ang kanilang pagpapaprangkisa.

Inihayag naman ni Sec. Rosalinda Baldoz na ie-extend ang pag-comply ng mga requirements hanggang Agosto.

Nabatid na 35 sa 158 bus companies ang nakapagbigay ng mga requirements sa DOLE upang pormal nang mabigyan ng suweldo ang mga tsuper at kundoktor.

Samantala, inihayag ni Del Mundo na wala pang pinal na desisyon ang ahensya kung papayag silang ipababa ang flagdown rate ng mga taxi sa P10 na kasalukuyang P40 ganun din ang rollback sa pamasahe ng jeep sa halagang P7.50

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply