SUV, dyip nagbanggaan: 2 sugatan

DALAWA katao ang sugatan sa banggan ng pampasaherong dyip at isang sport utility vehicle sa E. Rodriguez Senior Boulevard, Quezon City.

Batay sa ulat sa radyo, patungong westbound ang Toyota Fortuner na dala-dala ni Carlo Guevarra nang sumalpok sa chain barrier hanggang banggain ang kasalubong na dyip na minamaneho ni Mariano Alejandro malapit sa St. Luke’s Medical Center.

Wasak ang SUV habang nasira ang bumber ng dyip dahil sa lakas ng impact ng salpukan.

Nagdulot din ng matinding trapik ang aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply